Combat Shoes. Yan yung nabili kong combat shoes sa ukay-ukay for 150 PHP. Di ba? ang mura lang. Tyagaan lang talaga sa paghanap minsan sa ukay. Minsan inaabot kami ng oras dun ng mga classmate ko. Meron kasi dito samin na ukay na 20 lahat ng damit na makikita mo, tapos 50 pag tatlo lang. Kaya nakakagana mamili. hahaha. Tinakot pa ako kanina ng friend ko, sabi nya “Nako friend, baka matulad ka sa movie na segunda mano, baka namatay na may ari nyan”. Mukang tanga lang, nanakot pa, pinatong ko bigla sa kanya yung paa ko, sabay sabi “Ayan dasalan mo. Ng matahimik ang kaluluwa nya, kalerqui ka, tatakutin mo pa ako”. HAHAHA Sino sa inyo mahilig din mag ukay?

  1. iamchocoley said: Dope for that150 find! :))
  2. itsmetiesto said: Bet! Haha. Ako din naguukay. XD
  3. immaauniicorn said: ako!ukay ukay na bag :))
  4. evilarcher said: Ako! :)
  5. pancit-anton said: ME!
  6. jrsnmgl posted this